Profile
The name is Elaine or Ien or Pssst or Hoy ...or whatever suits you ...from the city of Davao ...26 with fine lines and wrinkles already ...short-haired, two-eyed na! (thanks to constact lenses), right-handed, flat-footed ...wants to be a Buddhist and a United Nations interpreter someday ...confused about life in general
Song for the Moment You Are The One
Arki Stuff Design Intelligence Death By Architecture Design Boom Loud Paper Residential Architect Interesting Stuff Kath's Long Journey Almighty Fong Dubai's Darkest The Lazy Blogger Poni's Bed Busy Mind w/ Net Access Des is for Lourdes Where Everyday is Sunday The Sassy Lawyer Lex's Hidden Curls Chick Cartoons Some Kinda Blog Global Stuff The Japan Times El Pais Le Monde La Repubblica Seek & Find Email Me Archives |
Wednesday, November 16 I-boycott ang PBB Gaguhan na ito! At first, ayoko pa maniwala noong sinabing "rigged" ang PBB. pero ano 'to? Tama ba? Makatarungan ba? Mukhang pinapatunayan ng mga recent developments ng show ang mga tsismis noon na simula pa lang alam na kung sino mananalo. Take note: Cass and Uma are still in the house. Sila yung mga pinaghihinalaang gustong ipapanalo ng mga executives ng ABS. Posible ba 'to? Tingnan natin ang mga kabulastugang ginagawa ng ABS para mangyari 'to. Si Franzen ay tumatabo sa votes. 3 beses na na-nominate, pero di ma-evict-evict. Pasaway si Franzen. Kung dahil ba dito kaya gusto siya ng mga tao, hindi natin alam. Basta ang alam natin from last week, isa na lang na violation, evicted na siya. No, contest about it. O sya sige, kung nasa rule book yan, fine! At nag-violate nga siya muli. Obviously, malinaw pa sa sikat ng araw, kailangan tanggal na siya. Wala na dapat pa-effect o paninirang puri. Di na dapat pinatagal pa. Hindi na dapat pinapakinggan ang mga voluntary eviction na pinag-sasabi ni Cass. Pero bakit nila ito ginawa? Dahil nga naman gaganda ang papel ni Cass sa mga manonood. Wala na dapat voting na mangyari. Sa mga voters dyan, gumising na kayo sa katotohanan na pinagka-kwartahan lang kayo ng mga Lopez! Kung anu-anong merchandise at pagkakawang-gawa kunwari, pero ang puno't dulo ay "money-making" at ratings lang ang habol nito. Ano pa nga ba? Ang kawalang-hiyaan lang naman ay pinalabas pang masama ang tao. Pinalabas pang mapag-linlang, mapag-kunwari. Ipinakita na ang pag-iyak ay isang normal na bagay para kay Franzen at ito ay maaari nyang gawin dahil "sya ay umaarte lamang." Kung lahat ng mga housemates ay magiging artista pagka-labas nila sa bahay ni kuya, masasabi kong pinatay na nila ang career ni Franzen, hindi pa man ito nagsisimula. Ka-hunghangan din na gawing artista ang lahat ng housemates. Walang talent ang karamihan sa kanila. Hindi marunong sumayaw, maliban sa "pinoy ako" dance steps na halos araw-araw nilang sinasayaw (instant practise kumbaga!). Hindi marunong kumanta, pero ayos lang. Kung si Anne Curtis nga ay pinapakanta nila, bakit nga naman hindi yung mga housemates. Pag-arte? Pwede pa siguro... ang pa-plastik naman kase nung mga nakuha nila (special mention to Jenny and Say). Going back to being "rigged"... Di ba kayo nagtataka na puro "cutie" moments nila Cass at Uma ang parating pinapakita sa primetime? Tsaka tama yung na-raise na question sa kanila noong isang gabi, bakit ang sacrifices nila Franzen at Jason ay kahiya-hiya at yung sa iba naman ay sila yung pumili? FYI, hindi ginusto ni Jason na magpa-mohawk, ni hindi nga niya alam kung ano yung mohawk! haaay, gaguhan talaga ito. minsan naisip ko bakit ko ba siansayang oras ko sa panonood nitong programang ito. dati, hindi ko kasi type yung palabas sa kabila (Sassy Girl:Chun Yang), pero kagabi pinanood ko yung Jewel in the Palace. Maganda pala ito. May values. Interesting ang culture ng Koreans(di tulad ng culture na pinapakita ng PBB... bulok!). Simula ngayon (at sana mabasa ito ng mga hinayupak na ka-pamilya), hindi na ako manonood ng PBB! Gaguhan! (umuusok na ang ilong ko sa galit) |
Layout by Blogskins
|