Profile
The name is Elaine or Ien or Pssst or Hoy ...or whatever suits you ...from the city of Davao ...26 with fine lines and wrinkles already ...short-haired, two-eyed na! (thanks to constact lenses), right-handed, flat-footed ...wants to be a Buddhist and a United Nations interpreter someday ...confused about life in general
Song for the Moment You Are The One
Arki Stuff Design Intelligence Death By Architecture Design Boom Loud Paper Residential Architect Interesting Stuff Kath's Long Journey Almighty Fong Dubai's Darkest The Lazy Blogger Poni's Bed Busy Mind w/ Net Access Des is for Lourdes Where Everyday is Sunday The Sassy Lawyer Lex's Hidden Curls Chick Cartoons Some Kinda Blog Global Stuff The Japan Times El Pais Le Monde La Repubblica Seek & Find Email Me Archives |
Thursday, June 9 Thinking Out Loud [full edition] Lahat na yata ng 20-something na kilala ko ngayon ay may identity crisis or something like that. i can imagine noon madali lang ang buhay dahil kokonti lang ang choices - career or pamilya, yun lang. at kokonti lang nag-iisip about career. lahat gusto magka-pamilya. ngayon, pati career may options na rin. yung kursong natapos mo will not necessarily be related to your future. ang diploma hindi na assurance for a job. kung pamilya naman ang pipiliin mo, marriage is not an assurance na tatagal kayo ng asawa mo. at pwede na magka-pamilya nang walang asawa. amazing what time can do to our society. lahat din yata ng 20-something na kilala ko ngayon ay feeling kulang ang oras nila. kung tutuusin, hindi na pwedeng dagdagan ang oras. fixed yan, 24 hours lang talaga. saan ba nauubos ang oras nila? actually, hindi rin pwedeng maubos ang oras. fixed yan, bukas may 24 hours ulit. going back to the [rephrased] question, "saan ba nagagamit ang oras nila?" sa trabaho. sa pamilya. sa pag-unwind with friends dahil sa nakakapagod na trabaho. sa sex. ngayon lang yata ako nagbanggit ng sex sa blog ko. hahaha. sa lovelife. oo, aksaya talaga sa oras ang lovelife. sa pagnanais pa lang na magkaroon ng partner, ang daming oras na ang nasasayang. getting-to-know-you, dating, MU, relationship, break-up, minsan marriage. pero hindi na assurance ang pagkakaroon ng bf o gf na makakasal ka. sa dami ng pwedeng gawin, pwedeng hindi na matulog ang tao. halos lahat din ng kakilala kong 20-something na nagta-trabaho ay feeling mas magaling sila sa boss nila or at least they think they can do better [given the same exposure and number of years on the job]. pero who really knows what's better? sa tingin ko dala lang yan ng age gap, stress at power. lahat nun ay directly proportional to time. hmmm, it makes me think: magiging ganun din kaya mga pananaw naten sa buhay kung tumanda tayo? lalamunin kaya tayo ng sistema kung nasa authority din tayo? palagay ko oo. at palagay ko sila rin dati ay feeling mas magaling sa mga bosses nila. ang mga kakilala kong 20-something ay hindi nakakaipon. actually, nag-iipon sila, short term nga lang. ipon pang-bakasyon, pang-cellphone, pang-gimik, pang-date, pang-aral, pang-japorms. mas madali kase 'yon makuha compared sa pang-business, pension o bahay. ikaw, kelan ka mag-iisip bumili ng bahay? nanay ko nagka-bahay na noong 24 years old sya. ako ay 24 years old na, pero kahit hulugan hindi ko kaya. siguro dahil na rin sa ating economy. aside from pinapataas nito ang mga presyo ng bilihin, pinapaisip pa tayong mag-migrate sa ibang bansa. nakakawalang ganang mag-invest for the future sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. karamihan ng mga 20-something na kilala ko ay feeling na mabilis silang tumanda. yung iba, kino-convince pa ang mga sarili nila na part pa rin sila ng "youth" by wearing clothes not appropriate their age o by acting like teenagers. and why not? it's a free world. pero yun na nga eh. dahil pinipigilan mo ang sarili mong mag-grow, when you get back to reality, akala mo isang dekada na ang dumaan na hindi mo namalayan. ergo, kala mo mabilis ka tumanda. ang tanong, may pinagka-tandaan ka ba? memories, wisdom, identity, legacy... yun ang dapat pagka-tandaan natin. ito ang mga reasons kung bakit kailangan nating dumaan sa masalimuot na 20-something stage. memories - para may may maaalala ka at ang mga nakapaligid sayo pagtanda mo; mga nangyari na kapupulutan ng aral. wisdom - para may mapapangaral ka sa mga future 20-somethings 'pag naging boss ka na. identity - kung saan ka makikilala, ito ang product ng lahat ng mga naging decisions mo sa buhay. legacy - patunay na hindi ka naging makasarili buong buhay mo; na nabuhay ka for something or someone. |
Layout by Blogskins
|